Lunes, Agosto 22, 2016

EARTHQUAKE DRILL !!




  

      

Una sa lahat ano nga ba ang Earthquake o Lindol ? Ano nga ba ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng Earthquake o lindol ? Bakit nga ba na kailangan natin magsagawa o magsanay ng Earthquake Drill ?

            
                               Resulta ng larawan para sa earthquake
     
                    Ang Earthquake o Lindol ay  sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiyang seismiko. Madalas, ang mga lindol ay sanhi ng pag-galaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng mundo (crust). Ang enerhiyang lumalabas ay sumasanga sa lahat ng direksiyon mula sa kanyang pinanggalingan, ang pokus, sa anyo ng mga seismikong alon. Ang anyo ng mga seismikong alon ay maihahalintulad sa anyo ng payapang tubig na hinulugan ng isang bato. Kahit na ang enerhiya ay mabilis na nababawasan habang ito ay papalayo sa pokus, may mga sensitibong kagamitan na nakatalaga sa iba’t ibang panig ng mundo para itala ang mga pangyayaring may kinalaman sa pagyanig ng lupa


                               Resulta ng larawan para sa earthquake drill
                
                 Earthquake Drill ? Ito ay ang pagsasanay na ginagawa upang tayo ay maging handa kung may darating mang lindol.Nagsisimula ito sa pagkalembang upang gawing signal sunod ay DROP,COVER,HOLD ON, at pagkatapos ay lalabas kung ikaw man ay nasa school,bahay o sa trabaho man.Maghanap ng Open Space o yung lugar na kung saan hindi tayo malalaglagan ng kung ano man.
    
 Resulta ng larawan para sa bago habang at pagkatapos ng lindolResulta ng larawan para sa bago habang at pagkatapos ng lindolResulta ng larawan para sa bago habang at pagkatapos ng lindol


                Bago pa man ang Lindol makinig sa kinauukulan,tumutok sa telebisyon,makinig sa radyo atbp. Maghanda ng mga pangunahing pangagailangan kung lilikas man.Habang Lumilindol ang unang unang iisipin ay huwag magpanic !.Gawin ang DROP,COVER at HOLD ON.Pagkatapos naman ng lindol maging kalmado,humanda sa mga aftershocks...Inspeksiyunin ang sarili o ang iba pang kasama kung may nasaktan man.Kung meron man ay agad na tumawag ng FIRST AID...
 
                 Mahalagang Tandaan na kahit walang sakuna nararapat na maging handa parin tayo.Mangyaring sumunod sa mga paalala ng hindi madisgrasya o mapahamak.Ako naman ay wala pang nararanasang malakas na paglindol ngunit ganun paman sinasanay ko parin ang aking sarili nang sa ganun ako ay maging handa sa lahat ng oras...Matapos kung ibahagi ang aking mga paghahanda o ang aking mga kaalaman tungkol sa earthquake o lindol.nais mo rin bang ibahagi ang sayo ?
           

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento