Martes, Hulyo 26, 2016

AKING MGA INAASAHAN..

 Ano nga ba ang aking mga inaasahan na mangyayari sa  Unang Markahan?
             
              Tulad sa buhay natin tayo rin ay may mga  inaasahan na mangyayari.Sa pang araw-araw na  pamumuhay tayo rin ay may mga inaasahan.Tulad na  lamang sa pagpasok sa paaralan inaasahan natin na  makarating tayo sa paaralan ng ligtas.Ganun din sa Unang  Markahan.Inaasahan ko na maiintindihan ko ang mga  aralin na aming tatalakayin sa Unang Markahan.
               

              Sa Unang Markahan inaasahan ko na maituturo ng  aming guro sa Filipino 9 na si Gng.Mixto ang mga iba`t-  ibang panitikan ng Timog Silangang Asya.Timog Silangang  Asya???Ang Timog Silangang Asya ay mayroong labing-  isang bansa kasama nadun ang Bansang Pilipinas na kung  saan ako kasalukuyang nakatira.Kung ang ibang bansa sa  TSA ay mayroong kaniya-kaniyang panitikan ganun din sa  Pilipinas.
               
    Ang Pilipinas ay marami ding panitikan na nilikha ng
maraming beteranong Pilipinong manunulat.Ganun din 
sa iba pang bansa na sakop ng TSA.Gusto ko rin malamano mabasa ang kani-kanilang panitikan.Dahil gusto ko na malaman kanilang tradisyon at paniniwala.Upang kung ako man ay mamasyal sa kanilang bansa ay hindi na ako maiiba o magiging ignorante sa kanilang mga tradisyon at malalaman ko rin ang bawal at dapat sa kanilang bansa at inaasahan ko rin na maipasa ko ang aking  mga proyekto at gawain.Inaasahan ko din na maipasa ko ang mga pagsusulit...Ito lang ang aking mga inaasahan...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento