Miyerkules, Agosto 31, 2016

Si Levielyn,Isang Manunulat....


                                Resulta ng larawan para sa writer   

             May kilala ka bang manunulat?Anong mga kilalang akda ang kanyang nilikha?Mayroon bang koneksyon sa buhay niya ang kanyang mga akda?Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makapagsulat ng isang akda,anong paksa ang iyong papaksain?                                                              
























                 Sa ating bansa,maraming mga manunulat na kilala dahil sa mga akdang kanilang sinulat.
Isa na dito ay si Francisco Balagtas na nagsulat ng Florante at Laura.
                                     Resulta ng larawan para sa francisco balagtasResulta ng larawan para sa francisco balagtas
Hindi lang basta patungkol sa pag-ibig ang kanyang akda kundi ito rin ay patungkol sa kung paano ipinaglaban ni Balagtas ang pagsulat.Tulad niya kung ako man ay bibigyan ng pagkakataon na maging isang manunulat.Ang nais kong paksain ay patungkol sa mga katatakutan o yung mga nakakatakot na babasahin.Dahil tulad ko na mambabasa mas masisigurado ko na kung ang aking akda ay nakakatakot mas bibigyan pansin 

                            

                               

Lunes, Agosto 29, 2016

Mabuting Lider !

                     Resulta ng larawan para sa leadership

    Lider?Ano nga ba ang ginagawa ng isang lider?Paano nga ba maging isang lider o  mabuting lider?Mahirap ba maging lider?Ano nga ba ang mga dapat gawin upang matawag kang isang mabuting lider?

                           Lider o kung minsan ay tinatawag na pinuno.Kung saan siya ang namumuno sa       kanyang mga nasasakupan o miyembro.Kung saan siya ang nagbibigay ng mga        direksyon na susundin ng mga sakop o miyembro nito.Siya rin yung nagpapatupad ng mga patakaran,alintuntunin o batas.Ang mga responsibilidad na pamunuan ang mga nasasakupan.Ngunit sino nga ba ang lider?Lahat tayo  ay lider maaaring mamuno o maging pinuno.Dahil lahat tayo ay isinilang para maging lider.Ako rin naman sa aking mga kapatid.Kung ako man ay magiging lider ay gagawin ko ang aking mga responsibilidad,responsibilidad ng isang lider.Upang maipakita ko yun magpapatupadako ng mga alintuntunin na makatulong upang maiangat ko ang mga mahihirap sa kahirapan .Dahil kung maiaangat ko sila sa kahirapan hindi na sila mamaliitin ng mga mayayaman hindi na sila aalipustahin o aalipinin.         
               Ito ang mga nais kong gawin kung ako man ay magiging isang lider.Ikaw?Gusto mo bang maging lider?

Lunes, Agosto 22, 2016

EARTHQUAKE DRILL !!




  

      

Una sa lahat ano nga ba ang Earthquake o Lindol ? Ano nga ba ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng Earthquake o lindol ? Bakit nga ba na kailangan natin magsagawa o magsanay ng Earthquake Drill ?

            
                               Resulta ng larawan para sa earthquake
     
                    Ang Earthquake o Lindol ay  sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiyang seismiko. Madalas, ang mga lindol ay sanhi ng pag-galaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng mundo (crust). Ang enerhiyang lumalabas ay sumasanga sa lahat ng direksiyon mula sa kanyang pinanggalingan, ang pokus, sa anyo ng mga seismikong alon. Ang anyo ng mga seismikong alon ay maihahalintulad sa anyo ng payapang tubig na hinulugan ng isang bato. Kahit na ang enerhiya ay mabilis na nababawasan habang ito ay papalayo sa pokus, may mga sensitibong kagamitan na nakatalaga sa iba’t ibang panig ng mundo para itala ang mga pangyayaring may kinalaman sa pagyanig ng lupa


                               Resulta ng larawan para sa earthquake drill
                
                 Earthquake Drill ? Ito ay ang pagsasanay na ginagawa upang tayo ay maging handa kung may darating mang lindol.Nagsisimula ito sa pagkalembang upang gawing signal sunod ay DROP,COVER,HOLD ON, at pagkatapos ay lalabas kung ikaw man ay nasa school,bahay o sa trabaho man.Maghanap ng Open Space o yung lugar na kung saan hindi tayo malalaglagan ng kung ano man.
    
 Resulta ng larawan para sa bago habang at pagkatapos ng lindolResulta ng larawan para sa bago habang at pagkatapos ng lindolResulta ng larawan para sa bago habang at pagkatapos ng lindol


                Bago pa man ang Lindol makinig sa kinauukulan,tumutok sa telebisyon,makinig sa radyo atbp. Maghanda ng mga pangunahing pangagailangan kung lilikas man.Habang Lumilindol ang unang unang iisipin ay huwag magpanic !.Gawin ang DROP,COVER at HOLD ON.Pagkatapos naman ng lindol maging kalmado,humanda sa mga aftershocks...Inspeksiyunin ang sarili o ang iba pang kasama kung may nasaktan man.Kung meron man ay agad na tumawag ng FIRST AID...
 
                 Mahalagang Tandaan na kahit walang sakuna nararapat na maging handa parin tayo.Mangyaring sumunod sa mga paalala ng hindi madisgrasya o mapahamak.Ako naman ay wala pang nararanasang malakas na paglindol ngunit ganun paman sinasanay ko parin ang aking sarili nang sa ganun ako ay maging handa sa lahat ng oras...Matapos kung ibahagi ang aking mga paghahanda o ang aking mga kaalaman tungkol sa earthquake o lindol.nais mo rin bang ibahagi ang sayo ?